Viva Entertainment bibigyan ng sakit ng ulo ni Cogie Domingo

MALAKI ang paniniwala ni Boss Vic del Rosario na kaya pa niyang isalba ang matagal nang naghihingalong career ni Cogie Domingo.

Isang factor kung bakit raw bilib siya kay Cogie ay dahil sa hindi lang ito guwapo kundi ang husay-husay pang umarte.

Given another chance ay tiyak na malayo pa raw ang mararating ng career nito. Yes, Boss Vic has a point dahil talaga namang acting wise ay panalung-panalo si Cogie at pinatunayan niya ito noon sa mga ginawang pelikula at sinamahang drama series sa GMA 7.

But when it comes to his working habits, dito talo ang nasabing actor. Ilang beses na nitong binigyan ng problema ang kanyang mother network kung saan lagi nitong bininitin ang kanyang mga taping.

Hindi lang ‘yan, minsan hindi pa siya sumisipot sa kanyang trabaho. May mga balita pang ngang nahumaling diumano sa ipinagbabawal na gamot ang young actor na ito.

We hope na hindi ito true at sana lang ay hindi niya bigyan ng sakit nang ulo ang bago niyang produ na tutulong sa kanya para makabangon.

Bale last card na niya ito so dapat ingatan.

Tama gyud!

***

Daughter ni Coco Martin kay Katherine Luna pinapanood ang ama sa ‘Minsan Lang Kita Iibigin’

SAY pa ng ating source kahit na pinagbabawalan raw ni Katherine Luna ang six-year- old daughter na manood ng teleserye ng ama nitong si Coco Martin na “Minsan Lang Kita Iibigin” sa Dos, panakaw pa rin daw nitong pinanonood ang kanyang daddy. Alam naman daw kasi ng batang ito na tatay talaga niya ang aktor.

Kaya kahit na pagbawalan pa siya ng kanyang Mommy Katherine, sinusuway talaga niya ito. Iba kasi talaga kapag lukso ng dugo.

Kahit bata pa ay nakararamdam din ng pangungulila sa kanyang daddy. Sana nga makarating ito kay Coco at gumawa siya ng paraan para magkita sila ng kanyang magandang daughter at sana, bigyan din niya ito ng financial support lalo pa’t ang maliit na negosyo lang naman ang inaasahan ng nanay nitong aktres.

***

Cristy Fermin matitigbak sa TV5 – Bro. Arman Cuban

KUNG ang famous Psychic of Asia ang humula kay Cristy Fermin noong nasa Kapamilya network pa ito na makabibili siya ng sasakyan at mapapaganda nito ang kanyang bahay diyan sa may Parada, Valenzuela, na hindi naman in-acknowledge ng di kagandahan at oslang TV host, ngayon ay may bagong prediction si Bro. Arman para sa kanya. Ito ay ang nanganganib na career niya sa TV 5. Say pa ng magaling na manghuhula from Siquijor, bago matapos ang 2012 ay isa-isa nang magkakatigbakan ang mga programa nito (Cristy) sa Singko.

Mauuna raw ang “Juiceless,” then ‘yung kanyang “Starlet Confessions” at “Chakarazzi.” Aware kaya ang taling-harap na ukay-ukay host na ito na interesadong-interesado ang TV5 na makuha ang serbisyo ng nag-iisang King of Talk na si Kuya Boy Abunda?

Kaya lang, nakatali na ito ng ilang taon sa ABS-CBN. By the way, para sa lahat ng mga gustong magpahula, magpa-feng-shui at magkamit ng pampadagdag suwerte na lucky charm magic, maaari ninyong tawagan at makausap ng personal si Bro. Arman sa kanyang CP Nos…09196016198.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply