Wage increase para sa pribadong sektor inaprubahan

INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board at Department of Labor and Employment (Dole) ang P14 wage increase para sa mga mangagawa ng pribadong sektor sa Central Luzon.

Mula sa dating P316, makatatanggap na ang mga manggagawa sa pribadong sektor ng P330 kasama na rin ang P4 na Cost of Living Allowance (COLA).

Ngunit ayon sa DOLE Region-3, ang COLA ng mga manggagawa ay magiging epektibo pa sa Enero ng susunod na taon.

Kabilang sa mga lugar na makikinabang sa nasabing wage increase ay mga lungsod ng Angeles, Balanga, Cabanatuan, Gapan, Malolos, Muñoz, Olongapo, Palayan, San Fernando, San Jose, San Jose Del Monte, at Tarlac gayundin ang mga probinsiya ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply