Walang gana sa sex pwede nang hiwalayan

MAGING ang mga asawa na wala nang gana sa sex ay maaari nang gawing rason para makipaghiwalay ang isang tao sa kanyang kabiyak.

Ito ang nais ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa pagpapalawak sa mga batayan para ipawalang bisa ang kasal sa ilalim ng Family Code.

Sa kanyang inihaing panukala na Senate Bill 781, isinulong ni Estrada ang pag-amyenda sa Family Code, partikular ang Article 36 kung saan nakasaad ang mga indikasyon ng psychological incapacity na maaaring gawing dahilan upang ipawalang bisa ang kasal.

Sa panukala ni Estrada, nais nitong ipabilang ang mga sumusunod, “ang pagiging bading o tomboy ng kabiyak, pagiging drug addict, lasinggo, bobo, sugarol, tamad, pangangaliwa, kriminal,  mapang-abuso sa mga anak o sa asawa, madalas na pagtanggi ng pakikipagtalik sa asawa at kawalan ng moral, spiritual at financial na suporta sa pamilya at iba pa.

Sinabi ni Estrada na dahil sa malabo ang umiiral na batas nagkakaroon tuloy ng kalituhan ang mga legal practitioners lalo na sa Article 36 ng Family Code.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply