Walang paki at keber si JC sa mga eksena ni Rhian Ramos!

MABUTI naman at bumalik na ang boses ni JC de Vera. Napag-alaman kasi naming sa kanyang girl friend na si Danita Paner na nawala raw ang boses ng alaga ni Tita Annabelle Rama nang pumunta ito sa Australia para sa taping ng Utol Kung Hoodlum.

Ayon kay JC nang magkita kami sa live show ng “Hey It’s Saberdey,” hindi niya raw nakayanan ang lamig sa nasabing lugar kaya nawala ang boses niya. Isa pa, nang bumalik siya sa ating bansa, sinalubong naman siya ng sobrang init kaya lalong lumala ang pagkawala ng kanyang boses, minabuti niyang magpatingin na sa doktor.

Medyo inaalalayan niya muna ang boses niya kasi mahirap na raw na mabinat ito at baka matuluyan itong mawala.

Kaya napuna namin sa bagong show ng TV5 na siyang ipinalit sa “Fantastik,” na kahit garalgal pa ang boses niya ay talagang umapir pa rin siya sa nasabing show.
Tuloy, biniro siya ng mga kasamahan niya sa Hey It’s Saberdey na sina Alex Gonzaga at Arci Muñoz na miss niya lang daw ang anak ni Mama Daisy Romualdez kaya siya umapir.

Agad namang pinabulaanan ni JC ang biro ng mga kasamahan at kaya raw siya dumating sa live show kasi nga gusto na niyang magtrabaho at nanghihinayang siya sa araw na dapat ipahinga pa niya.

Inungkat rin namin kay JC kung ano ang masasabi niya sa gulo ngayon nina DJ MO and Rhian Ramos kung saan dati rin siyang na-link sa dalaga noong nasa GMA channel 7 pa siya.

“Wala akong pakialam at buhay nila iyon, isa pa ginusto nilang dalawa iyon kaya bahala sila,” paliwanag ni JC.

Alam mo na!!!

***

HANGGANG ngayon hindi pa rin tapos ang rigodon ng mga artista, may nakapag-tsika kasi sa amin na may dalawang sikat na artista na manggagaling sa Kapamilya at Kapusong network na lilipat diumanoy sa Kapatid network.

Hindi masiyadong malinaw ang pagkasabi ng amin ng source pero may hinala kami na isa si Judy Ann Santos sa pwedeng lumipat kasi nga this coming July 2011 ay mag-expire na ang contract nito at ayon sa kanyang manager na si Tito Alfie Lorenzo, pinag-iisipan pa raw nila kung magri-renew sila ng contract dahil hanggang ngayon ay wala pa rin pasabi sa kanila ang mga bossing ng ABS-CBN tungkol sa nalalapit na pag-expire ng kanilang contract.

Wala kaming masiyadong maisip mula sa GMA kung sinong artista ang lilipat dahil matagal ng tsismis ang tungkol kay Michael V., na di umano’y lilipat ito pero hanggang ngayon ay nandiyan pa rin siya sa Siyete.

Pero isa lang ang hinala naming pwedeng lumipat sa TV5 ang anak ni Bisaya na si Richard.

Alam mo na!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply