Walang pataasan ng ihi kina Ate Koring, Ted at ‘Kabayan’

TAMANG-TAMA ang timpla nina Korina Sanchez, Ted Failon at Noli de Castro sa kanilang news program na “TV Patrol World.”

Magaan ang kanilang tambalan. Wala kang mararamdamang nagpapataasan sila ng ihi sa isa’t isa. Walang tensyon.

Pa’no walang insecurity dahil may kanya-kanya silang galing sa larangang ng pamamahayag. Alam nila ang kanilang kapabilidad at abilidad sa trabahong pinasok nila.

Ang ganda ngang panoorin ng kanilang light discussion kapag patapos na ang programa. Nagbabatuhan sila ng opinyon sa pabirong pamamaraan pero may dating at laman ang kanilang mga sinasabi.

Unlike sa naunang set of hosts ng TV Patrol like Karen Davila na masyado raw seryoso. Parang laging may kompetisyon sa mga kilos at pananalita nito. Kahit sa radyo, pag pinakikinggan  s’ya, animo’y may dalaw ang lola n’yo. Hahaha!

Isa ring magaang panoorin si Julius Babao. Hindi siya madamot ngumiti.

Sina Henry Omaga Diaz at Karen ang bagay na magkasama, parehong hindi mautangan. Hahaha!

How true na may inis factor daw si Ms. Davila kay Ate Koring?

Lalo ngayong nasa posisyon na naman si Ms. Sanchez, hindi kaya umuusok na ang ilong ni Ms. Davila?

Sorry na lang dahil mas feel daw ni Jing Reyes ang mga datihan at original na mga tao ng ABS CBN. Kaya nga nakabalik sina Korina at Kabayan. Si Ted naman kahit sino ang maging pinuno ng News and Current Affairs ng Kapamilya network ay oks siya.

Sayang at umalis si Maria Rezza, na may soft spot kay Karen.

Well, pana-panahon lang ‘yan. Parang gulong, ika nga.’Yun nga lamang, pag na-flat o sumabog ang gulong at nasa ilalim ka, tsugi ka. Hehehe!

***

AKMANG-AKMA talaga ang titulong Mamaya Na, sa bagong fantaserye ni Marian Rivera sa GMA-7. Aba’y nu’ng panoorin namin ang first episode nito, wala kaming nabanggit kundi “mamaya na nga lang.” Kasi, kung tuloy-tuloy naming panonoorin ang palabas na ito makatutulog kami at di na namin magagawa ang mga dapat naming gawin para sa dyaryo.

Hindi kasi namin ma-take ang mga tayutay at matatalinghagang mga pananalita, idagdag pa ‘yung kabuuan ng palabas na parang moro-moro lang.

Tinalbugan pa ng “Sisid” ni Jackie Rice ang epic daw na ito ni Rivera na wala namang epekto! (Is that so, Abe? Hahaha! How gross! – Ed)

Mas nakalilibang at hindi ka manghihinayang sa oras na gugugulin mo sa soap ni Jackie. Sana ma-maintain nila ang intensity nito para hindi ito sumisid sa rating.

‘Yung kay Marian…mamaya na lang! Sayang oras namin. Hehehe!

***

MARAMING bading ang naghahanap kay Zanjo Marudo. Tila natutulog daw ito sa pansitan. Nasaan ba siya ngayon?

Bakit wala yata siyang project sa ABS CBN. Ang tanging balita lang na alam namin sa kanya ay ang pagkaka-link nito kay Bea Alonzo.

Kung meron mang nilulutong proyekto ang Dos para kay Zanjo, hindi pa namin alam  ‘yun.

Nakapagtataka ring biglang tumahimik ang career ng binata nang ikasal si Mariel Rodriguez kay Robin Padilla. Nakisama rin ba sa pagluluksa ang puso n’ya?

Bakit kasi saka natin naiintindihan ang kahalagahan ng isang tao kapag wala na sila? Hindi ba, Zanjo and Luis (Manzano)?

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, mag-text lamang sa aming cell phone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming e-mail add, sa kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply