Warriors kinatay ang CS Tigers

MAGANDANG buwena mano ang ginawa ng Manny Pacquiao warriors ng General Santos City sa kapasisinayang GMP Sports Complex sa General Santos City sa pagpapalugmok sa Ilocos Sur CS Tigers, 80-75 sa GenSan Leg ng SMC Liga Pilipinas Conference V noong Miyerkules ng gabi.

Ang MP Warrioirs ni pound for pound king Manny Pacquiao ay nakadikit sa Tigers ni Gov. Chavit Singson para sa fifth place at sa huling super leg seat, 8-11.

Hangad ng Warriors na maisukbit ang super leg slot sa pamamagitan ng kumbinasyon ni Dondon Mendoza na pumuntos ng 22 points at humablot ng 7 boards.

Tatlong triples naman ang pinasabog ni Louie Medalla sa kanyang kabuuang 20 puntos  sa panalo ng tropa ni coach Johnadel Cardel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply