Warships ng China sa Spratly, ‘di tatapatan ng Pinas

HINDI umano tatapatan ng Pilipinas ang mga defense machineries na inilalagay ng China dahil ayaw na nitong palakihin pa ang isyu sa Spratly Island.

Ayon kay Navy Vice Admiral Alexander Pama, dati nang nagru-routine patrol ang kanilang grupo sa paligid ng Spratly island dahil hindi pinababayaan ng Philippine Navy ang lugar at pinangangalagan ang exclusive economic zone mula sa Palawan hanggang sa Spratly.

Matatandaan na inanunsyo ng China na magpapadala ito ng warship, na siyang parehas na barko na ginamit ng bansa upang barilin ang mga Vietnamese soldiers na siyang pinanood pa nito sa isang government celebration.

Paniwala ni Pama, hindi naman warship ang pinadala ng China kundi vessel lamang.

Nilinaw ni Pama na ang Rajah Humabon ay isang warship na ginagamit upang protektahan ang mga economic zone areas, ngunit hindi ito ipadadala ng bansa sa Spratly Island.

Mahigpit din ang payo ng gobyerno na maging mahinahon at huwag magpadala sa agresyon ng China dahil tayo rin ang talo.

Bukod dito, sinabi ng China na magpapadala ito ng warship at aircraft  sa Spratly, upang proteksyonan ang isla. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply