Watawat, babaguhin para sa Muslim

GUSTONG baguhin ni Sen. Ramon Revilla, Jr. ang watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagdadagdag ng panibagong sinag ng araw upang kumatawan sa nagawa ng ating mga kapatid na Muslim sa  pambansang kalayaan.

Ayon kay Revilla, na napapanahon ang panukala na bigyang pagpapahalaga ng pamahalaan ang ating mga kapatid na Muslim sa kanilang pakikipagsagupaan sa panghihimasok ng Español at mapatutunayan lamang ang pagkilalang ito sa pamamagitan ng kanilang representasyon sa watawat ng bansa,

Dahil dito, inihain ni Revilla ang Senate Bill No. 2691 na may layunin na amendahan ang Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Sa ilalim ng panukala, isang panibagong silahis ang idadagdag sa orihinal na walong sinag ng araw sa pambansang watawat upang kumatawan sa Muslim Filipino na lumaban sa pananako ng Espanya.

“We have many Muslim heroes like Muhamad Ul-Halim, who defended Jolo and Datu Ache, who helped unite the Sulu leaders against the Spaniards. As a tribute to them and to our other Muslim brothers who resisted foreign invasion, it is only appropriate that their contribution to the Philippine independence be symbolically marked in our national flag,” ayon kay Revilla.

“All rays will be equally spaced and each ray will have one major beam, twice as broad as the two minor beams on either side.  By symbolically placing our Muslim brothers in our flag, we are giving them their right place in our history,” paliwanag ng mambabatas.

Iginiit pa ni Revilla na patutunayan ng ika-siyam na silahis ng araw na parehas at pantay ang pagpapahalaga ng pamahalaan sa ating kapatid na Muslim.

“I believe this would help in achieving the much long awaited peace in Mindanao. As we celebrate our independence day, let us remember those who fought for it and these include our Muslim brothers,”  patapos ni Revilla.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply