Water lilies gagawing kapaki-pakinabang

PINAG-AARALAN na nang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na maging kapaki-pakinabang ang mga  water lilies o water hyacinths na nagiging sanhi lamang ng mga pagbaha sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva, nangangalap na ng pondo ang ahensiya para sa pagsasagawa ng training upang gawing accessories, dekorasyon sa bahay, bags, tsinelas, sapatos o placemats ang nasabing damong tubig.

“The flooding in Cotabato that was caused by water lilies will give us opportunity to turn calamity into employment generating activities and livelihood program for our people. We will turn the tons of green menace into green products,” ani Villanueva.

Sinabi ng dating mambabatas na ang dating peste sa buhay ng mga residente ay magiging isa nang source ng pangkabuhayan para sa mga pamilya sa Mindanao partikular sa Cotabato.

Maaari na umanog mag-aplay sa regional Office ng TESDA ang mga residente na gustong matuto para sa libreng seminar na ibibigay ngkanilang tanggapan.

“TESDA goes beyond the classroom setting and reaches out to the grassroots by conducting community-based trainings,” dagdag pa ni Villanueva,

Ayon pa kay Villanueva,  sa laki ng tinutubuan ng water lilies sa lalawigan na umaabot sa halos 20 ektarya ay tiyak na maraming produkto ang magagawa nito. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply