Weekend class sa mga kolehiyo kanselado na rin

KINANSELA na rin ang pasok sa mga universities at colleges sa National Capital Region (NCR) dahil sa mga pagbaha kaugnay ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong Falcon.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) nagpadala na ng notices sa kanila ang tinatayang nasa 19 universities at colleges sa pamamagitan ng twitter at facebook kung saan kinakansela ang pasok dahil sa masamang panahon.

Ayon sa CHED may karapatang magsuspinde ng klase ang mga Higher Education Institutions (HEIs) base sa guidance mula sa mataas na kagawaran ng edukasyon.

Kabilang sa mga nagsuspinde ng klase ay ang St. Scholastica’s College, St. Paul – Manila at Quezon City, De La Salle University, College of St. Benilde, University of the East – Caloocan at Manila, Polytechnic University of the Philippines, University of Santo Tomas, Far Eastern University, Letran College at San Beda College – Mendiola at Alabang.

Wala na ring klase sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM),City College of Manila, Rizal Technological University, Miriam College, Ateneo de Manila University, Philippine Women’s University, Trinity University of Asia, University of Asia and the Pacific at Taguig City University.

Hinihintay pa ng CHED ang ulat na suspensiyon ng klase  sa mga colleges at Universities na nasa labas ng Metro Manila. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply