Welder sa Navotas nakuryente patay

TODAS ang isang welder matapos makuryente ng ginagamit na welder machine sa compound ng kanilang pinapasukang kumpanya sa Northbay Boulevard South Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng pagkatusta ng katawan ay nakilalang si Renato Tompong, 36, stay-in sa Giant Concrete Mix Inc. sa Lapu Lapu Avenue, Brgy. NBBS, nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni P01 Joseph Provido, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, dakong 2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing kumpanya sa nasabing lugar.

Base sa pinagsanib na salayasay ng saksing sina Rodolfo Barre at Romeo David, kasamahan sa  trabaho, kasalukuyang kinukumpuni  ng biktima ang isang malaking drum ball ng tubig ng aksidenteng madikit at mapuluputan ng open wire ng kable ng nasabing welder machine na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply