Wise decision ni PNoy bawas iringan ng 2 grupo

TUNAY na mahusay ang desisyon ni Pang. Noynoy Aquino na hirangin si Mar Roxas bilang bagong  DOTC secretary matapos na magbitiw si Transportation Sec. Ping de Jesus.

Tiyak na nabawas na ang  iringan ng ‘Samar’ (ES Paquito Ochoa) at ‘Balay’ (Roxas) na mga grupo sa gobyerno Aquino. Pero naniniwala akong limitado lamang ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa sa magkaibang  polisiya ng mga ito at hindi personal dahil sa mga sariling interes. Mabuti sa organisasyon ang ganitong kompetisyon para mailatag sa publiko ang mas magagandang programa at  polisiya sa pagsisilbi sa tao.

Bukod sa outstanding performance ni Roxas na labis na pinagkakatiwalaan ng Pangulo, kailangan ding irespeto ang desisyon ng Senado at Kamara na ipagpaliban  ang halalan sa ARMM sa Agosto at isabay sa 2013  elections. Nananatili kasing mailap ang katatagan, kapayapaan at tunay na kaunlaran kahit matagal na ang ARMM.

Nais lang ng Pangulo na makamit ang tunay na proseso para sa mas maraming mga tao at hindi lamang ng ilang makapangyarihan. Tanging ang pagsasabay ng halalan sa ARMM sa 2013 midterm elections ang makapagbibigay ng demokrasya para malibre sa anomang maruming politika ang rehiyon at maibigay ang magandang buhay sa maraming tao roon.

Kahanga-hanga  ang maigting na panawagan ni PNoy na resolbahin ang sobra-sobra at abusadong benepisyo na kinukubra ng mga opisyal ng GOCCs sa gitna ng paghihirap ng publiko.

ILLEGAL LOGGING ANG INAATUPAG

Patuloy ang pagpoproteksyon at pag-ooperate ni SPO1 Venturina ng R2 ng R-2 sa illegal logging.

Walang keber na ipinakikita ni SPO1 Venturina sa mga taga-R-2 na hindi siya natatakot sa anomang gagawin ng mga‘superior’ nito dahil may go-signal siya.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply