Wizards at Gems nakapasok sa Final 4

NAKAUMANG na ang semifinals na duwelo ng Cebuana Lhuillier Gems at ng PC Gilmore Wizards kasunod ng pagpapalugmok sa Freego Jeans, 71-64, at sa Pharex Bidang Generics, 97-77, ayon sa pagkakasunod sa isang pares ng “do-or-die” games sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa pagpapatuloy ng bakbakan sa PBA D-League Foundation Cup sa Martes, Hunyo 7, sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City ay magbabangga ang Max! Bond Superglue Sumos at ang Blackwater Elite na susundan ng isa pang do-or-die bout sa pagitan ng FCA Cultivators at ng NLEX Road Warriors dakong alas-kuwatro ng hapon.

Labis ang kasiyahan ni Wizards coach, Richard del Rosario, sa 26 assists ng kanyang koponan bukod pa sa magandang larong ipinakita nina Carlo Lastimosa na nag-top score sa 20 points at sa 15 points na idinagdag ni Allan Mangahas sa kabila ng mahabang pahinga nila na hindi kinakitaan ng kalawang sa execution ng kanilang team plays.

Pinatiklop naman ng Cebu Gems ni head mentor Luigi Trillo ang Leo Austria-managed Freego Jeans sa score na 71-64 tungo sa pagsasaayos ng Final 4 duwelo sa PC Gilmore.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply