Yaman ng mga Ligot ipinapa-freeze

INIUTOS ngayon, Linggo, Hunyo 5, ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro ang pagsasagawa ng forfeiture proceeding para mabawi ang hindi maipaliwanag na yaman ni dating Lt. Gen. Jacinto C. Ligot at kanyang pamilya na nagkakahalaga ng mahigit sa P55 milyon.

Sa 18-pahinang resolusyon, inirekomenda ni Casimiro ang pagpa-file ng Supplemental Petition for Forfeiture sa Sandiganbayan laban sa asawa ng dating heneral na si Erlinda Yambao-Ligot, at mga anak nila na sina Riza Ligot, Paulo Ligot at Miguel Ligot, kasama na rin sina Edgardo T. Yambao at Gilda Y. Alfonso-Velasquez.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo na isinumite sa Office of the Ombudsman Field Investigation Office (OMB-FIO), kung saan natuklasang may assets si Gen. Ligot tulad ng  bank deposits at investment accounts na hindi kasali sa kasong isinumite laban sa kanya at sa kanyang pamilya sa anti-graft court.

Ayon sa anti-graft office, ang napakaraming bank deposits at investments accounts na umano’y bahagi ng hindi maipaliwanag na yaman ni Ligot ay ang sumusunod: a). Armed Forces and Police Savings and Loan Association, Inc. (AFSLAI), sa ilalim ng pangalang Jacinto Ligot, P184,760.25; b). AFPSLAI, Erlinda Yambao-Ligot,  P135,983.46; c). AFPSLAI, Riza Ligot, P419,323.60; d) AFPSLAI, Paulo Ligot,  P194,073.29; e). AFPSLAI Miguel Ligot, P 209,000.00; f). AFPSLAI, Erlinda Ligot,  P56,529.32; g). AFPSLAI, Miguel Ligot, 1,006.57; h). Equitable PCI Bank, Jacinto Ligot, P10,109.81; i). BPI, Parmil Farms Inc. P24,210.96; j). LandBank, Jacinto Ligot, P92,943.87; k). United Overseas Bank Phils. (UOBP), Edgardo Yambao, P346,190.43; l). Metrobank, Edgardo Yambao, P1,397,562.70; m). Citicorp Financial Services and Insurance Brokerage Philippines, Inc. (CFSI), Gilda Velasquez, 52,525,000.00. Sa kabuuan, umaabot ito sa P55,596,694.26.

Batay sa resolusyon, makukunsidera itong  “web of accounts” ni Gen. Ligot at ng kanyang pamilya, kaya dapat ay maging accounted ito bilang bahagi ng kanilang hindi maipaliwanag na yaman.

Samantala, iniatas ni Casimiro ang pagsasampa ng paglabag sa Sec. 8 kaugnay ng Section 11 ng RA 6713 sa Sandiganbayan laban kay Retired Police General Eduardo S. Matillano dahil sa hindi pagsusumite ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Pinagmumulta rin si Matillano ng isang buwang sweldo.

Napag-alaman ng Fact-Finding Investigation Bureau (FFIB) ng Ombudsman sa Management Division ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame na walang available record ng SALN si Matilano mula 1994 hanggang 2000 at 2004.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply