Yaman ni GMA, ex-AFP chiefs haharangin

PINAHAHARANG ng “Morong 43” sa Quezon City Regional Trial Court ang bank accounts at iba pang ari-arian ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang military at police officials na umano ay sangkot sa pagdukot at pag-torture sa naturang health workers.

Ayon kay Atty. Ephraim Cortez, abogado ng complainants, naghain na umano sila ng writ of preliminary attachment sa sala ni Branch 226 Judge Luisa Padilla dahil sa pangamba na tumakas palabas ng bansa ang respondents.

Maliban sa dating pangulo, kasama rin sa respondents ay sina dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chiefs Delfin Bangit at Victor Ibrado, dating National Security adviser Norberto Gonzales, Gen. Jorge Segovia, Col. Victorino Zaragoza, Maj. Manuel Tabion, Col. Aurelio Baladad, Lt. Col. Jaime Abawag at mga police officials na sina Supt. Marion Balolong at Supt. Allan Nubleza.

Taong 2010 nang hulihin ng militar ang 43 na health workers sa Morong, Rizal matapos mapagkamalang mga miyembro ng New People’s Army.

Habang nasa detention, sinasabing nakaranas ang mga ito ng pagmaltrato at torture sa kamay ng mga sundalo.

Nakalaya lamang ang mga ito matapos na ipag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III sa Department of Justice na ibasura ang isinampang kaso laban sa mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply