Yang kuryente at langis

KUNG gusto talaga ni PNoy na mapatino ang ekonomiya ng repablik ni Juan, dapat nitong pansinin ang napakamamahal na kuryente at langis.

Sa kuryente, sobra na ngang mahal, nag-aanunsyo pa ang mga onorabol na lalong magmamahal ito dahil sa paghahalo sa suplay ng sinasabi nilang mga alternatibong pinagkukunan ng kuryente.

Kabilang sa mga alternatibo ang galing sa windmill na matatagpuan sa Pagudpud, Ilocos Norte at sa mga solar panel. Mahal ang kuryente mula sa hangin at init ng araw, sabi nila.

Minsan ding itinuring na alternatibo ang natural gas na galing sa Malampaya, Palawan. Kahit P14 lang ang isang litro nito, itinuturing pa ring mahal.

oOo

Isa pa ang petrolyo sa mabigat na suliranin.

Dagdag na pasanin ng lahat, maging ang pamahalaan, ang napakamahal ding petrolyo.

Totoo na medyo mataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado pero lumalabas na minamaniobra lang ito, at kasama sa mga nagmamaniobra ang mga mother company ng mga kompanyang langis na nasa bansa.

Kung sisilipin ninyo, may supply agreement ang mga mother company at kompanya sa Pilipinas at mura lang ang petrolyo rito. Pero ginagamit ang presyo sa pandaigdigang merkado na basehan kuno ng presyo nila.

oOo

Eto ngayon ang punto, PNoy: hindi mo ba alam na isa sa mga inaayawan sa atin ng mga dayuhang mamumuhunan ang napakamahal nating kuryente?

Nakapagtataka kasing napakamura ang mga alternatibong kuryente, maging ang galing sa tubig at natural gas, pero napakamahal ang kuryente.

Ano-ano kaya ang mga pupuwedeng gawin upang maging apordabol ang mga ito sa halip na ugat ng paghihirap ng buong bansa?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply