Yemeni president kritikal

TALIWAS sa akala ng marami na hindi sersoyo ang naging mga sugat ni Yemeni President Ali Abdullah Saleh, napabalitang patuloy ang pagdurugo ng loob ng kanyang bungo dahil sa tinamong tama sa ginawang missile attack ng mga militante.

Ayon sa isang opisyal ng Estados Unidos, 40 porsiyento ng katawan ng presidente ang nasunog at patuloy ang pagdurugo ng loob ng bungo nito.

“We’re not doctors. As the Secretary of State Hillary Clinton said yesterday, we’re focused here and in Sanaa on working toward a peaceful, orderly, non-violent transition, consistent with Yemen’s constitution,” dagdag na pahayag ng U.S. official.

Kamakailan lamang ay hinirang bilang acting leader si Vice President Abd-Rabbu Mansour Hadi ng bansa. Nagpahayag ito na babalik din sa puwesto si Presidente Saleh sa mga darating na araw.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply