Yumaong punong ministro ng INC paparangalan

PAGKAKALOOBAN ng gawad pagkilala ng Kamara de Representantes ang yumaong dating Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eraño G. Manalo dahil sa naging kontribusyon sa bansa.

Ito ay matapos i-adopt ng Kamara ang House Resolution 1059 na inihain ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo “expressing the collective sense of the House of Representatives in honoring the late Brother Eraño G. Manalo for his significant contribution to spiritual renaissance and national development and for putting the Philippines in the world map.”

Banggit pa ni Castelo sa resolusyon, dapat aniyang kilalanin ang mga pangaral ni Kapatid na Manalo na nagpasigla sa “spiritual and moral fiber of the Filipino.”

Tinukoy ng kongresista na si Kapatid na Manalo ang siyang nagpasimula ng Lingap sa Mamamayan (Aid to Humanity) upang matulungan ang mga nangangailangan anumang ang relihiyon, kinabibilangang tribu o lahi at kalagayan sa lipunan.

“Whereas, the church saw a historical first in her expansion and migration, through the leadership of the late Brother Eraño G. Manalo, where as a fulfillment of a divine prophecy, for the first time in the history of world religions, an indigenous church reversed the trend of direction of the religious influx in that the Iglesia Ni Cristo is the sole religious organization that emerged in Asia spread across the Atlantic into the West.” 

Sa huli ay hinimok ni Castelo ang Kamara sa pamamagitan ng resolusyon na ang gawad pagkilala ay i-presenta sa tanggapan ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply