‘Final 4’ para sa Ombudsman inilabas na

INIHAYAG ngayon ng Palasyo ang “Final Four” sa inilabas na shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) para maging Ombudsman.

Ang shortlist ay inihayag ni Palace Spokersperson Abigail Valte at ipinasa na sa Pangulong Benigno Aquino III.

Ang mga kandidatong pinagpipilian ay sina Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, incumbent Justice Undersecretary Leah Armamento; Presidential Commission on Good Government (PCGG) Commissioner Gerard Mosquera at former DOJ chief Artemio Tuquero.

Mayroon pang hanggang Agosto 4 ang Pangulo upang mamili ng bagong Ombudsman.

Isasaalang-alang ng JBC sa paggawa ng shortlist ang mga inihaing oposisyon nina dating Justice Sec. Raul Gonzalez at dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo laban kay Morales.

Si Justice Carpio-Morales ay nakatakdang magretiro nitong nakaraang buwan ng Hunyo at isa sa mga nominado sa pagiging Ombudsman.

Sa kanyang dalawang pahinang sulat, iginiit ng dating Pangulo na hindi magiging pantay si Morales sa pagtrato sa mga kaso na kanyang kinakaharap at kanyang pamilya sakaling maging Ombudsman.

Tinukoy din ng dating Pangulo na bilang bahagi ng Supreme Court, palagi na lamang umanong bumoboto pabor sa mga kaso na may kinalaman sa alegasyon na katiwalian si Morales laban sa kanya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply