‘Hokus-pokus’ ng Shell nabuking

SINISINGIL ng Bureau of Customs Port ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation ng tumataginting na P1,578,269,755.00.

Ito’y matapos mabuking ang umano’y pagpupuslit ng gasoline products gamit ang ‘scheme’ na ‘misdeclaration.’

Sa pagsisiyasat, napag-alaman na simula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 14, 2011, nagsinungaling ang Shell sa kanilang importation.

Sa mga dokumento sa BOC, idinedeklara  ng Shell  na Alkylate,  isang produkto na hindi sinisingilan ng buwis.

Pero sa imbestigasyon, sinabi nina Urbano at Peralta na nabuking nila ang Shell dahil hindi alkylate kundi Catalytic Cracked Gasoline at Light Catalytic Gasoline na mga uri

ng gasolina, na taxable products –  ang kanilang iniimport.

Ang pagkakabuking ng Shell sa ginagawa nitong ‘hokus-pokus’ para makapandaya sa ibabayad na buwis sa bayan ay dahil sa maayos at pagiging dedikado nina Urbano at Peralta sa trabaho.

Suhestiyon natin, palawakin ng dalawang magiting na abogadong ito ang pagsilip sa nadiskubreng kalokohan na ito sa BOC Port of Batangas.

Tiyak, may mga opisyal o kawani ng nasabing daungan ang nakipagkutsabahan sa Shell kaya nagawa nilang palusutin ang ganitong importation ng nasabing kompanya ng gasoline diyan sa Batangas Port.

May mga opisyal din ng Bureau of Internal Revenue na nagsisilbing ‘adviser’ ng mga sindikato na nagpapalusot ng milyong-milyong halaga ng petroleum products.

Ang isa ay dating opisyal ng ahensya na nagretiro na at ‘contact’ ng sindikato para sa pagpapalusot ng bilyong halaga ng petro products na ang naibabayad lang na buwis sa gobyerno ay kakapurit.

Commissioner Lito Alvarez, sir, gisingggg…. ang nabuking na pagpapalusot ng produktong petrolyo ay katiting lang… smuggling ng iba pang produkto ay napakatindi sa Port of Batangas.

Ang smuggling ng asukal ay lantaran sa nasabing daungan pero inaantay pa natin ang aksyon ni Alvarez para makilala ang mga nasa likod ng gawaing ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply