‘Ineng’ papasok sa bansa

MALAKI ang posibilidad na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Ma-on bago sumapit ang tanghalian ngayong umaga, Hulyo 17 na tatawaging “Ineng”.

Nabatid sa PAGASA na nakatakdang pumasok bandang 11:00 ng tanghali sa bansa ang Ma-on mula Japan kung saan makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng Mindanao.

Sa latest weather report ng Pagasa, namataan ng satellite surface dataang bagyo sa layong 1,310 kilmetro sa hilagang silangan ng Basco,Batanes.

Taglay naman nito ang lakas ng hangin na nasa 165 kilometro kadaoras na kikilos naman ng hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometrokada oras.

Posibleng hatakin ni Ineng ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan at posibleng malakas ang nasabing bagyo dahil sa pagsama nglakas ni Ma-on at Hanna.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply