‘Juaning’ may kasunod na

ISA pang bagyo ang nagbabanta ngayon sa bansa na namumuo sa karagatang Pasipiko sa gitna ng pananalasa naman ng bagyong Juaning.

Base sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), ang hindi pa pinangalanang bagyo ay natukoy sa bahagi ng Caroline Islands bagamat napakalayo pa para makaapekto sa Pilipinas kung saan taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at umuusad sa direksyon ng hilagang kanluran o papuntang karagatan na sakop ng Pilipinas.

Malaki ang posibilidad na lalakas pa ang bagyo dahil nasa karagatan pa ito at maaring sa susunod na linggo ay papasok na sa bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply