‘Juaning’ nagbabanta sa bansa

ISA na namang bagyo ang maaaring pumasok sa bansa sa susunod na linggo at nagbabantang magdulot ng pagbaha at landslides sa ilang parte ng Bicol, Southern at Eastern Visayas bunsod ng inter-tropical convergence zone.

Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring pumasok ang bagyo, na tinatayang hindi naman kalakasan, sa unang araw ng susunod na linggo.

“Hindi naman ito malakas. Medyo malapit na ito… Kung ma-develop ito sa weekend or early next week, papasok ito sa Philippine area of responsibility,” ayon kay PAGASA forecaster Sonny Pajarilla sa isang panayam sa dzBB.

Kung magiging ganap na bagyo ang naturang LPA ay tatawagin itong “Juaning.”

“Lalapit ito sa silangan ng Mindanao at Visayas, at ito ay inaasahan natin lalapit din sa Kabikulan. Hindi naman siya direktang magla-landfall kung saka-sakali. Ito ay papuntang Taiwan ,” dagdag pa ni Pajarilla.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply