‘Kabayan’ nasa Samar na

KAAALIS pa lamang sa bansa ni Juaning, pumasok naman ang bagyong Kabayan na huling namataan sa Catarman, Northern Samar.

Sa weather advisory ng Pagsa, taglay ni Kabayan ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 80 kph.
Tinatahak ni “Kabayan” ang pangkalahatang direksyon na hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, tuluyan nang nakalayo ang bagyong Juaning sa bansa kung saan kasalukuyang nagbabanta ito sa Hainan Island.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 560 kilometers sa kanluran-hilagang-kanluran ng Laoag City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply