‘Kung ano ang puno, siyang bunga’

HINDI kagandahan ang mga komento tungkol kay Andi Eigenmann sa isyu ng pagbubuntis nito. Very judgemental ang ibang calls na tila sinasabing hindi maganda ang pagpapalaki ni Jacklyn kay Andi. Na kinulang daw ito sa moralidad kasi nga, mismong nanay niya, naging dalagang ina rin na hindi pinakasalan at ang tatay naman niya, nagkaroon ng maraming anak sa apat na babae kaya ganon.

“Kung ano ang puno ay siyang bunga,” sabi ang isang komento.

And take note, sa rami ng mga nakikisawsaw sa isyu ni Andi, puwedeng isiping pati Senado ay makikialam na rito.

Hahaha!

Heto po ang sampol ng ilang komento galing sa internet.

“You can’t blame Andi as she comes from a dysfunctional family and was not given proper guidance while growing up. Her mom Jacklyn Jose has two kids with different fathers. Her dad Mark Gil has seven kids with four different women. It won’t be surprising if Andi would later have other kids with other men.”

“Ano pa bang aasahan natin? Kung ano ang puno, siyang bunga. Unwed mother ang ina, unwed mother din ang anak. Mga disgrasyada.”

“We should admire Andi for choosing to keep her child and not get rid of it like other actresses did.”

“Magsama sila ni Jackie, they deserve each other, birds of the same feather flocks together!”

Pero sa true lang, ang gulo lalo ng mga nangyayari ngayon. Lumabas na inaako na ni Jackie Estrada ang bata na tila nagpalaya na kay Albie who by all indication ay pinagsuspetsahan lang na siyang tunay na ama ng ipinagbubuntis ni Andi.

Actually, the issue of who the real dad is would be easy to resolve these days through DNA testing. The lesson here is don’t practice pre-marital sex, especially with different partners.

O di ba?

***

Aljur namamangka sa maraming ilog

LINKED kay Kylie Padilla si Aljur Abrenica and there was even the issue na malaya na’ng dalawa to tell the whole world na sila na.

Pero ayaw tumigil ng isyu tungkol sa pambababae ni Aljur at lately, itong diumano, smitten siya kay Ritz Azul na nakasama niya sa isang awards night a few weeks ago.

“Nabasa ko nga ‘yung sinulat na binakuran ko raw si Ritz at halatang-halatang may gusto ako rito,” sabi niya. “After that night, hindi na kami nagkita. Ewan ko kung bakit binigyan agad ng ibang kahulugan ‘yung pakikipag-usap ko sa kanya. Kundi ko naman kinausap, I’m sure masusulat na in-isnub ko siya.”

Wala pa bang dapat ipagselos si Kylie?

“Wala pa kaming commitment. More like MU lang, we’re dating exclusively. Wala na akong dine-date na iba.”

Takot siya sa tatay ni Kylie? “No, bakit naman ako matatakot kay Sir Robin? Wala naman akong masamang hangad sa anak niya. Nag-usap na kami and I told him he can trust me. Alam niyang lumalabas kaming magkasama as friends. Gusto kong ganun muna kami, ine-enjoy ang samahan namin as friends. Kaya lang, dito sa atin, makita lang kayo magkasama, ang conclusion agad, kayo na.”

E yung isyung ilang beses nang nakita si Kylie na kasama niya sa Pampanga?

Walang sagot si Aljur, tila di siya handang aminin ito.

***

Manager ni Carla Abellana trinaydor si Mother Lily

SA ibinigay na appreciation dinner ni Mother Lily Monteverde sa lahat ng officers at members ng PMPC, naikuwento ni Mother na sumama ang loob niya at nagtampo kay Carla Abellana.

Ito ay nang malaman daw ni Mother Lily na tinanggap ni Carla ang pelikulang “Kingpin” kung saan gaganap siyang wife ni Gov. ER Ejercito (as Asiong Salonga). Hindi raw kasi nagpaalam sa kanya si Carla.

Si Carla kasi ay may exclusive contract sa Regal Films at karapatan ni Mother na mag-demand ng respeto mula sa actress na itinanghal na Best New Actress sa katatapos na PMPC Star Award for Movies.

Katuwiran ng road manager ni Carla na si Arnold (ano nga ba ang apilyedo?) hindi naman for local exhibition ang Kingpin dahil sa Korea filmfest ito isasali. Pero dahil nga may existing exclusive contract si Carla sa Regal Films, nararapat talagang humingi muna siya at ang kanyang road manager ng permiso kay Mother Lily bilang respeto. Ang kaso nga lang, nagmagaling itong road manager at nanghinayang sa kikitain ng alaga sakaling hindi sila payagan ni Mother kaya mistulang ‘trinaydor’ ang Regal matriarch.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply