‘SUV Bishops’ tiniyak na dadalo sa Senado bukas

TINIYAK na dadalo sa pagdinig ng Senado ang anim obispo ng Simbahang Katolika na tumanggap ng sports utility vehicles (SUVs) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula sa administrasyong Arroyo.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo, tiyak na sisipot sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sina Cotabato Archbishop Orlando Quevedo, Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos, Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian, Bontoc-Lagawe Bishop Rodolfo Beltran, Basilan Bishop Martin Jumoad at Zamboanga Archbishop Romulo Valles.

Sinabi ng mga obispo na ipaliliwanag nila sa pagdinig kung bakit tila pinalaki ang naturang usapin tungkol sa mga sasakyan at inaakusahan sila ng maling gawain.

Nagpahayag naman ng suporta sa mga tinaguriang “SUV bishops” ang kanilang mga “kabaro” na sina Pampanga Archbishop Paciano Aniceto, Baguio Bishop Carlito Cenzon, Balanga Bishop Ruperto Santos, at Novaliches Emeritus Teodoro Bacani

Sinabi ni Bishop Santos na dadalo sa pagdinig ng Senado ang mga obispo para ilabas ang katotohanan sa usaping yumanig sa CBCP.

“Truth will come when they appear at Senate hearing,” pahayag ni Santos sa hiwalay na panayam ng himpilan ng radyo.

Tiwala naman si Bacani na maipapaliwanag ng mga Obispo ang katotohanan sa publiko tungkol sa mga sasakyan sa pagdalo nila sa imbestigasyon ng Senado.

Nitong Lunes, nagpalabas ng pastoral statement si CBCP president Bishop Nereo Odchimar at humingi ng paumanhin sa publiko kaugnay sa kontrobersiya na kinasangkutan ng ilang Obispo.

“As shepherds struggling to love you like Jesus the Good Shepherd, we are sorry for the pain and sadness that these events have brought upon you,” ayon sa CBCP na nagsagawa ng 103rd plenary assembly na ginanap sa Pope Pius XII Catholic Center sa Maynila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply