1.4 million jobs ipinagmalaki ni PNoy

IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang ilang bahagi ng kanyang ipapahayag sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa na Huy 25, 2011 sa kanyang pagbisita sa Aklan.

Ani PNoy, mahigit sa 1.4 million jobs ang nalikha ng kanyang administrasyon nitong Abril lamang.

Sinabi pa ng Pangulo na dahil dito kaya naibaba sa 7.2 percent ang unemployment rate mula sa walong porsiyento noong Abril ng nakaraang taon.

Mas malaki pa sana aniya ang bilang ng magkakaroon ng trabaho kung naiwasan ang “skills mismatch” tulad sa 60,000 job vacancies na hindi napupunan dahil sa hindi tugmang kuwalipikasyon ng mga aplikante.

Kasunod nito, sinabi ni PNoy na inatasan na niya ang labor department at Commission on Higher Education (CHED) para pagtulungang resolbahin ang problema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply