1 patay, 1 sugatan sa land conflict

SULTAN KUDARAT – Isa ang patay habang isa pa ang sugatan sa land conflict sa Sitio Dos, AGC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Eliazar Gallardo, dating chairman ng Mindanao Pioneer Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative, dahil ito sa pag-atake ng mga armadong grupo sa kanilang lugar upang agawin sa kanila ang sinasakang 909 hectares ng lupa.

Si Enrique Montilla ang dating nagmamay-ari ng nasabing lupa at ibinigay ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga farmer beneficiaries noong Disyembre 2010.

Sa panayam kay Gallardo, kanyang sinabi na mga armadong tao ni Montilla ang pumasok sa nasabing lugar dala ang matataas na kalibre ng armas kagaya ng armalite rifle at M-14.

Noong Sabado umano ng madaling araw, Hulyo 2, inatake ng mga armado ang kanilang mga guwardiya at pinaputukan kung kaya’t may nangyaring engkwentro.

Dahil dito, isang guwardiya ang sugatan habang patay naman ang isa na tinamaan ng shotgun sa ulo.

Dagdag pa ni Gallardo na mas umiinit pa ngayon ang tensyon sa nasabing lugar dahil wala umanong ginagawa ang mga pulis kahit nag-deploy na ng mga armadong tao si Montilla sa lupang naibigay na sa kanila.

Samantala, wala namang kaukulang aksyon ang himpilan ng Tacurong City pulis sa pamumuno ni P/Supt. Gilbert Tuzon, ang hepe ng nasabing himpilan, kaugnay sa nangyari. Benjie Caballero

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply