1 patay, 100 bahay naabo sa Cebu

ISA ang nasawi makaraang masunog ang may 100 na kabahayan sa residential area sa Cebu City, gabi ng Miyerkules, Hulyo 13.

Ayon kay Cebu City fire marshal Superintendent Anderson Comar, hindi nagawang makatakas ni Domingo Gacasan sa nasusunog nitong bahay.

Nabatid na 100 kabahayan ang nasira sa sunog na ayon sa inisyal na ulat ay nagmula sa bahay ng isang Gregoria Bacon sa Brgy. Punta Princesa.

Tinatayang P300,000 ang halaga ng nasirang ari-arian.

Sinisiyasat naman ng awtoridad kung may katotohanan ang ulat na may narinig umano ang mga residente ng pagsabog bago nagsimula ang sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply