1 patay, 2 naputulan ng paa sa sumabog na vintage bomb

PATAY ang isa habang naputulan naman ng tig-isang paa ang dalawang iba pa nang sumabog ang isang vintage bomb na kinalikot ng mga biktima sa Davao City Miyerkules ng umaga, Hulyo 20.

Dead on the spot sanhi ng tinamong shrapnel sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na nakilala lamang na Alyas Luding na naputulan ng dalawang kamay at paa.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang isang Deosdado Maglasang, 47, habang sugatan din si Pobleto Mayor Imala alyas Bobby na nagtamo ng sugat sa kamay at paa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga sa dating Lapanday banana plantation na ngayon ay isang bakanteng lote na lamang sa Sitio Carmen, Mandog, Davao City.

Bago ito, nabatid na napulot ng mga biktima ang naturang vintage bomb sa tabing-ilog at inuwi at itinago sa kanilang bahay ng ilang araw.

Kahapon, dala-dala ang isang martilyo at chiesel ay nakakatihang tungkabin ng mga biktima ang naturang bomba. Mismong si Luding ang pumukpok sa bomba.

Ayon kina Imala at Maglasang, sa ilang pagpukpok ni Luding ay biglang sumabog ang bomba sa harapan nila.

Na-recover naman ng mga tauhan ng Explosive Operation Division (EOD) sa lugar ng pinangyarihan ang isang martilyo at chisel na ginamit ng mga biktima sa pagpukpok sa bomba.

Malaki ang paniniwala ni S/Insp. Alfredo Baluran na tangka ng mga biktima na hatiin ang nasabing drop-bomb upang pakinabangan o maibenta sa junk shop ang ilang parte nito. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply