1 patay sa away-trapiko

BINARIL at napatay ng di pa nakikilalang salarin ang isang cock-handler matapos na magtalo ang dalawa dahil sa gitgitan sa trapiko Lunes ng gabi sa kahabaan ng Molino-Paliparan Rd. sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City sa Cavite.

Kinilala ni Supt. Ulysses Cruz Sr., hepe ng pulisya sa nasabing lungsod, ang napatay na biktima na si Gary Cerillo, 39, ng Blk. 34 Lot 6 Phase 4 Mabuhay Homes subdivision.

Mabilis na tumakas ang salarin sa minamanehong nitong kulay pulang van. Hindi nakuha ng mga saksi ang numero ng plaka ng nasabing sasakyan.

Ayon sa nag-iimbestiga ng kaso na si PO2 Dino Paulo Ramos, ganap na 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente.

Naka-angkas umano ang biktima sa motorsiklong minamaneho ni Reynaldo Roxas habang bumabagtas sa nabanggit na kalsada nang biglang sumulpot ang van ng salarin.

Pinagsabihan umano ng biktima ang salarin na sinundan ng mainit na pagtatalo ng dalawa.

Sa gitna ng sagutan ay bumunot ng baril ang drayber ng van at binaril ang biktima, na hindi na umabot nang buhay sa ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply