1 patay sa sumabog na bomba

TODAS ang isang tao nang sumabog ang isang improvized bomb sa loob ng compound ng mosque sa Shariff Aguak, Maguindanao kagabi, Hulyo 1.

Ayon sa ulat ni Maguindanao Provincial Police Director Senior Superintendent Marcelo Pintac, kinilala ang namatay na si Arsad Sapar.

Sumabog ang bomba sa compound ng Grand Mosque sa Barangay Poblacion dakong 10:00 ng gabi.

Nabatid na si Sapar na katiwala ng mosque at sinasabig anak ng “Imam” o tagapangaral ng relihiyong Muslim ay naglilibot sa kapaligiran ng gusali nang biglang sumabog ang bomba.

Ayon sa pagsisiyasat ni Pintac, may nakitang dalawang lalaki na nagtanim ng bomba sa loob ng mosque compound at nagmamadaling sumakay ng motorsiko matapos mailagay ang bomba.

Nakuha sa lugar na pinangyarihan ang mga shrapnel mula sa mortar projectiles na ginawang bomba.

Ang pagpapasabog sa mosque ang kasunod ng pagpapasabog na naganap sa dalawang tanggapan ng pamahalaan nitong nakaraang  linggo may ilang metro lamang ang layo  sa North Cotabato Provincial
Capitol compound sa Barangay Amas, Kidapawan City kasabay din ng pagkakadiskubre sa dalawang mortar sa isang pampasaherong van sa Sultan Kudarat.

Dahil dito inilagay na sa heightened alert ang kapulisan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)  bunsod ng serye ng pagsabog at pagkakadiskubre ng bomba sa lugar. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply