1-point win ng Red Lions, Heavy Bombers

PAREHONG manipis na isang puntos na kalamangan ang ipinanalo ng Jose Rizal Heavy Bombers at San Beda Red Lions sa NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City Biyernes ng gabi.

Isang 79-78 ang nasukbit ng Red Lions kontra sa St. Binilde Blazers habang isang katulad na manipis na 70-69 ang naitala ng JRU Bombers laban sa Mapua Cardinals.

Pumatay ang Mendiola-based ball team sa San Sebastian College Recoletos Stags sa 4-0 record habang naitala ng Bombers ang 2-2 slate sa kanilang panalo. Nakaiwas sa upset ang team ni coach Frankie Lim sa kabayanihan ng prize rookie na si Baser Amer na kumana ng 11 puntos sa huling 6 minuto, 9 dito ay sa three-point area.

Sina Kyle Pascual at Garbo Laneta ang nag-top score sa kanilang 16 at 12 points ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply