1 sundalo patay, 6 pa sugatan sa NPA ambush

TUMIMBUWANG sa ikinasang pananambang ang isang sundalo habang anim pa ang sugatan nang ratratin sila ng pinaniniwalaang grupo ng New People’s Army (NPA) sa Samar, Miyerkules ng gabi.

Hindi muna pinangalanan ng awtoridad ang napatay na sundalo dahil uunahin munang ipaalam sa pamilya nito ang kanyang malagim na sinapit.

Isinugod naman sa isang ospital sa Tacloban ang anim pang sundalo na sadya ring hindi ibunuyag ang mga pangalan sa parehong dahilan.

Ikinasa na ang pagtugis sa may 15 hinihinalang mga rebelde na pumatay at nakasugat sa mga sundalo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi sa isang bisinidad sa bayan ng Paranas sa Western Samar.

Ayon kay Lt. Col. Joel Nacnac, spokesperson ng 8th Infantry Division (ID), papauwi na at lulan sa kanilang military trak ang mahigit kumulang 40 mga sundalo mula sa ground breaking ceremony ng Gandara-Matuginao road project nang mangyari ang ambush.

Pagsapit nila sa lugar, biglang nasabugan ng mga landmines ang kanilang sasakyan kasabay ng pagpapaulan ng mga bala ng M16 at M14 rifles mula sa tinatayang 15 hinihinalang mga rebelde.

Samantala, hindi naman matiyak ng nasabing opisyal kung may mga sugatang rebelde.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang clearing operations ng mga tropa ng pamahalaan sa pinangyarihan ng pananambang at karatig lugar para matiyak kung may kaswalidad sa panig ng mga rebelde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply