1 tigok, 2 sugatan sa salpukan ng dyip at trak

DEAD on arrival sa ospital ang drayber ng isang pampasaherong dyip matapos na makasalpukan nito ang ten wheeler truck sa lalawigan ng Sorsogon, sa ulat ng pulisya Sabado.

Base sa police report, nasawi agad ang biktimang si Luis Dorillo Jr., residente ng Sea Breeze Subdivision, bayan ng Bulan ng nabangit na lalawigan.

Sa pagsusuri ay lumalabas na severe head injuries ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Samantala, bukod sa namatay na drayber ay may dalawang pasahero rin dyip ang nasugatn matapos na maipit ang mga ito.

Pinaghahanp naman ngayon ang drayber ng cargo truck matapos na mabilis na nagtago matapos ang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply