1 todas, 12 sugatan sa van na sumalpok sa EDSA

UTAS ang 18-anyos na estudyante, habang 12 ang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa steel barrier ng kahabaan ng EDSA sa harap ng Camp Aguinaldo, Quezon City, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Brille Jayson Juan, ng City Land Condominium, QC.

Nasugatan naman ang mga kasamahan nito na sina Cesatr Cestina Jr.,20, Mikael Sobrepena, 16, Marlon Oliveros, 21, Jomar Tingson, 18, Ryan Laysion, 18,  Jonathan Marcelo, 17, Grace dela Cruz, 17, Marila Resureccion, 19, Roy Vincent Velez, 18 Dennis Hora, 18, Buena Rose Ragual, 17 pawang estudyante at ang suspek/driver ng van na si Christian Jay Cansilao, 17.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Enforcment Unit Traffic Sector 3, naganap ang insidente dakong 2:00 ng madaling araw kanina sa kahabaan ng Edsa harap ng Camp Aguinaldo malapit sa Santolan Fly-Over, QC.

Sinabi sa ulat ni PO3 Renato Sunga traffic investigator, sakay ang mga biktima ng Anfra NI Pole Trailer na isang van (ULF-586) at minamaneho ni Christian Jay Cansilao nang sumalpok sa gutter ng Edsa saka sumalpok sa steel barrier.

Nabatid na galing umano sa isang networking na trabaho ang mga biktima at pauwi na nang maganap ang aksidente.

Agad isinugod ang mga biktima sa East Avenue Medical Center subalit idineklarang dead on arrival ang isa sa kanila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply