10 babae isasalang sa SWAT training

UPANG madagdagan ang puwersa ng itinuturing na “elite urban police group”, aabot sa 132 mga police trainees kabilang ang 10 babae ang isasalang sa Special Weapons and Tactics (SWAT) training course ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Tatagal ng isang buwan ang naturang training sa PNP School for Values and Leadership sa Clark Freeport, Pampanga na pamumunuan ng NCRPO-Regional Public Safety Battalion (RPSB).

Ayon kay  NCRPO chief, Director Allan Purisima na layon nila na maging eksperto ang mga police trainees sa paggamit ng iba’t ibang uri ng armas , matuto ng mga espesyal na taktika sa paglaban sa mga organisadong kriminal, paglaban sa terorismo, pagresponde sa iba’t-ibang uri ng krisis at teamwork.

Sa 132 trainees, pito rito ang nagmula sa Northern Police District, 10 buhat sa Eastern Police District, 12 sa Manila Police District, 13 buhat sa Southern Police District, siyam sa Quezon City Police District, 23 sa RPSB, 11 buhat sa Marikina City Police Station, 11 sa Pasig City Police Station, 11 sa Mandaluyong PS, 11 sa San Juan City PS at 14 buhat sa Makati City PS.

“We are confident that the course will develop fit, knowledgeable and result-oriented personnel who will be capable of performing frontline tasks during critical situations,” ayon ka Purisima.

Matatandaan na nalagay sa kahihiyan sa mata ng buong mundo ang mga tauhan ng SWAT noong Agosto 2010 sa madugong Quirino Grandstand hostage crisis kung saan walong Hongkong tourists ang nasawi nang mabigo ang pulisya na papayapain at agad na arestuhin ang hostage taker na si dating P/Sr. Insp. Rolando Mendoza. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply