10 bomba planong pasabugin ng JI sa Mindanao

NASA 10 bomba ang  planong pasabugin ng grupo ni Basit Usman na konektado sa Jemiah Islamia sa iba’t-ibang bahagi ng Central Mindanao at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang ulat ay kinumpirma ngayon ng Philippine National Police (PNP) batay sa kanilang nakalap na intelligence report mula sa kanilang mapagkakatiwalaang impormante.

Ayon kay Western Mindanao Directorate for Integrated Police Operation Chief General Felicisimu Khu, ikinagalit ni Usman ang sunud-sunod na pagkakarekober ng mga awtoridad sa itinanim nitong mga improvised explosive device.

Sinabi ni Khu na anim na bomba na ang kanilang nakukuha na kinabibilangan ng 81 millimeter mortar at 60 millimeter mortar habang ang iba aniya ay sumabog na sa iba’t-ibang mga bayan doon.

Dahil dito, patuloy na naka-alerto ang mga awtoridad sa rehiyon upang mapigillan ang plano ni Usman sa paghahsik ng karahasan sa Mindanao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply