$10-M hinihinging ransom sa dinukot na mag-inang US citizen

KINUMPIRMA ni Mayor Celso Lobregat, chairman ng Crisis Management Committee (CMC) na tumawag na sa Amerika ang mga dumukot sa mag-inang U.S. citizen.

Ayon kay Mayor Lobregat,  mismong ang asawa ni Gerfa na si Hiko Lunsmann na nasa Virginia, USA ang nakausap ng kidnappers kung saan ipinarating umano nila ang hinihingi nilang ransom.

Sa impormasyong kumakalat, nabatid na $10 million ang hinihingi ng mga dumukot sa mag-inang Lunsmann kapalit ng kanilang kalayaan pero ayaw mumang magkomento ang alkalde.

Sa ngayon hindi pa rin matukoy kung saang lugar dinala at itinatago ang mga kidnap victims na sina Gerfa at anak nitong si Kevin Lunsmann at ang Pilipinong pamangkin na si Romnick Jakaria.

Malaki naman ang paniniwala ng mga awtoridad na nasa Zamboanga Peninsula area lamang tinago ang mga ito.

Nauna nang nabuking na ang grupo ni Commander Waning Abdusalam, ng MILF special operations group ang dumukot sa tatlong kidnap victim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply