10 sugatan sa vehicular accident sa Ilocos

SUGATAN ang 10 katao sa naganap na vehicular accident sa Bagani, Candon City, Ilocos Sur kaninang hapon.

Ilang estudyante at tricycle drivers ang nilalapatan ngayon ng lunas sa pagamutan matapos araruhin ng nawalan ng preno na mini-bus, na noon ay nakahimpil malapit sa isang paaralan.

Nagkataon namang palabas ang mga estudyante sa Candon National High School at ilang pribadong sasakyan nang maganap ang insidente kanilang ikinasugat.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang drayber ng mini-bus na tumakas matapos mangyari ang karambola ng mga sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply