$1,000 ‘extra bonus’ sa Azkals

TATANGGAP ng tig-$1000 ang bawat miyembro ng Azkals ayon kay Philippine Football Federation (PFF) President Mariano Araneta bilang bonus sa matagumpay na performance nila sa 1st leg ng 2014 World Cup qualifying games.

Ayon kay Araneta, bagama’t maliit na halaga lamang ang nasabing pera, pagpapakita aniya nila ito pagpapasalamat sa national team dahil sa karangalang inihatid sa bansa.

Maalala na sa second match ng Azkals kontra Sri Lanka, tinambakan ng Philippine team ang kalaban sa iskor na 4-0 para makapasok sa kauna-unahang pagkakataon ang Pilipinas sa second round, kontra Kuwait.

Maliban dito, ipinagmalaki rin ni Araneta na dahil sa suportang ipinakita ng taumbayan sa Azkals, nabawi ng PFF ang P9-million na gastos nito mula sa ticket sales at may tubo pa umanong mahigit P2-million na ilalaan naman para sa pagsusulong ng Philippine football sa bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply