11 katao nalason sa isda

UMABOT na sa 11 katao mula sa Barangay Dodan, Aparri, Cagayan ang isinugod sa ospital matapos malason sa kinaing isda.

Ayon sa isang barangay official, hinihinalang nagmula sa kinaing isang uri ng isda nagsimula ang pangangati ng bibig, pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi ng mga biktima.

Kaagad namang tinurukan ng anti-allergy ang mga biktima kaya nakalabas na rin ng ospital ang mga ito.

Iniimbestigahan pa ng rural health unit ng bayan ng Aparri ang nasabing kaso ng food poisoning pati na ang uri ng isdang kinain ng mga residente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply