11 ‘magdalena’ dinampot ng mga pulis

NASA 11 kababaihan na sinasabing nagbebenta ng ‘panandaliang aliw’ ang pinagdadampot ng mga pulis habang nakatambay sa Caloocan City Lunes ng gabi.

Nasa presinto na ang mga hinuli na ang edad ay mula 18 hanggang 27.

Sa ulat, dakong 10:45 kagabi nang simulang pagdadamputin ng mga pulis ang mga ‘magdalenang’ nakatambay sa Araneta Square at Gotesco Grand Central sa Monumento ng lungsod.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa nagiging talamak na bentahan ng ‘laman’ sa mga nabanggit na lugar dahilan upang ikasa ang operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply