11 Pinoy inaresto sa Vietnam

INARESTO ang 11 Pilipino ng Ho Chi Minh City Social Crime Investigation Police dahil sa pagsusugal, pagtatayo ng organisadong sugalan at panloloko matapos isumbong ng umano’y nabiktima ng grupo na karamihan ay mga dayuhang turista sa Vietnam.

Pinagdadampot ang mga Pinoy sa Thu Duc District sa 27-10-1, Road 17 Hiep Binh Chanh Ward kung saan tumutuloy ang mga ito.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nakikipag-kaibigan ang mga Pilipino sa kanilang lugar at sa mga dayuhan sa down town area at kapag nakapalagayang loob na ay iniimbita nila ang mga ito sa kanilang tiniutuluyan at pakakainin ng hapunan.

Yayayain umano nila ang kanilang biktima na magsugal at dadayain ang mga ito sa larong blackjack.

Isa sa kanilang biktma na nakilalang si Emily Helen Garbe, 19-anyos na Canadian, ay nagtungo sa pulisya upang magreklamo dahil sa panloloko ng mga Pinoy na nakilala niya sa isang mall at nagyaya sa kanyang magsugal. Makaraan ang apat na laro ay naubos ang kanyang salapi dahil sa pagsasabwatan ng mga Pinoy na nakilalang sina Cesar Devilla, 58, at Dindo Macachor, 48.

Sa testimonya ng dalawang suspek ay nadampot din ang siyam pang mga kasabwat ng grupo sa isang apartment malapit sa kanilang inuupahan habang patuloy pang iniimbestgahan ng pulisya ang lawak ng operasyon ng grupong kinabibilangan ng mga nahuling Pinoy. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply