11 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

SUGATAN ang 11 katao nang magkarambola ang apat na iba’t ibang sasakyan sa Quezon City, kaninang 6:30 ng umaga.

Ilan sa hindi nakilalang mga biktima ay isinugod sa ospital habang ang iba ay agad ding pinauwi nang malapatan ng lunas ang mga pasa at galos sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sugatan ang mga biktima nang magbanggaan ang dalawang taksi na may plakang (TXN 999) at (UVM-515), isang pampasaherong jeep (TWT 258) at motorsiklo na may plakang (PR-9379).

Tinutugis naman ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) Sector 4 upang panagutin sa aksidente ang drayber ng dyip na tumakas matapos ang insidente

Ayon sa nakasaksi, bago ang karambola ay magkakasunod na tinatahak ng apat na sasakyan ang Kamias Road at K-I St. sa Barangay Kamias at sa hindi pa malamang dahilan ay biglang nagbanggaan.

Dahil iniwang nakahambalang sa kalsada ang naturang dyip, lumikha ito ng matinding trapiko sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply