12-anyos na babae tinamaan ng HIV

Isang 12-anyos na babae ang pinakabatang nagkaroon ng kinatatakutang human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa, ayon sa talaan ng City Health Office ng Davao City.

Ayon kay Dr. Josephine Villafuerte, hepe ng City Health Office ng nabanggit na lungsod,  si Marie (di tunay na pangalan) ang pinakabatang HIV-carrier simula noong 1993 nang umpisahang i-monitor ang mga kaso ng HIV sa Pilipinas.

Ayon kay Villafuerte, nakuha ni Marie ang virus mula sa pakikipagtalik.

Napag-alamang may 22 bagong kaso ng mga taong nagkaroon HIV na naitala mula Enero hanggang Marso ngayong taon. Sa kabuuang bilang, 21 ay mga lalaki.

Umabot na sa 140 ang mga taong may HIV sa paglabas ng mga bagong kaso ng sakit na ito.

Noong 2010, 39 kaso ang naitala sa lungsod. Bagama’t ang mga bilang ng lalaki ay mas marami ay ‘di naman matumbok kung ang mga kasong ito ay dahil sa pakikipagtalik nila sa kapwa lalaki.

“Kahit positibo ang mga biktima ng HIV ay may pag-asa pa sila dahil sa mga libreng gamot,” ayon kay Villafuerte. “Hindi dapat ipakahulugan na ang HIV ay kamatayan dahil sa makabagong tuklas ng medisina na magpapahaba sa buhay ng mga taong mayroon nito.” Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply