12 Chinese media pinigil sa Mactan airport

PINIGIL ng ilang oras sa Mactan-Cebu International Airport ang 12 mamamahayag na Chinese matapos maiulat ng isang stewardess sa Civil Aviation Authority  na binastos ng mga ito ang bayaw ni Pangulong Aquino na si Atty. Eldon Cruz, asawa ni Ballsy Aquino.

Ayon sa pahayag ng stewardess na si Lorian Francesca Catimbang, ng Cebu Pacific Flight 5J-363 mula Maynila patungong Cebu, sakay ng eroplano ang mag-asawang Atty. Eldon Cruz at Ballsy Aquino, kapatid ni Pangulong Aquino nang tumayo ang dalawang Chinese mediamen at kumuha ng video sa loob ng eroplano.

Pagtapat sa bayaw ng pangulo ay muntik na itong tamaan ng kamera sa ulo kaya pinagsabihan ng mga Cruz ng “careful” o mag-ingat.

Pero isa sa mga ito ang inapakan ang paa ni Atty. Eldon Cruz at isa naman ang hinila ang kwelyo ng bayaw ng pangulo saka pinagsabihan ng masasama.

Nagpigil naman ang mag-asawang Cruz upang di na lumala ang pangyayari, subalit nag-ulat ang stewardess sa piloto kaya pagkababa ng erpolano sa Cebu ay inimbitahan ang mga Chinese mediamen ng mga opisyal ng PNP Aviation Security Group para sa kaukulang imbestigasyon.

Nabatid na nagtungo ang mag-asawang Cruz sa Cebu upang dumalo sa isang kasal ng mga Chiongbian, samantalang ang mga Chinese mediamen ay naroon sa imbitasyon ng Department of Tourism upang i-promote ang bansa sa mga dayuhan.

Hindi naman magrereklamo ang mag-asawang Cruz, subalit hinayaan nila ang proseso ng imbestigasyon upang matuto umano ang mga Intsik na respetuhin ang mga Pilipino, ayon kay Ballsy Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply