12% VAT sa toll fees sa Lunes, Agosto 1

NILINAW ng pamunuan ng Toll Regulatory Board (TRB) na hindi pa nila ipinatupad ang 12% Value Added Tax sa lahat ng tollways sa buong bansa bagkus nakatakda itong simulan sa susunod na linggo, partikular sa Lunes.

Sa panayam, sinabi ni Julius Corpuz, tagapagsalita ng TRB na wala pang pagpupulong na ginagawa ang pamunuan ng TRB upang talakayin ang sinasabing full implementation ng VAT na ipapatong sa tollways matapos aprubahan ng Korte Suprema ang inihaing 12% VAT sa toll fees.

Gayunpaman, tiniyak pa rin ni Corpuz na magsasagawa sila ng public consultation at aanyayahan nila ang lahat ng sektor ng lipunan partikular na ang mga nasa hanay ng transportasyon.

Matatandaang inalis ng korte ang Temporary Restraining Order noong nakaraang linggo na pumipigil sa tollways management na ipatupad ang VAT upang magtaas ang toll fees.

Ayon kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., wala sa panahon ang implementasyon ng VAT sa tollways dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa merkado.

Samantala, nauna nang umalma ang grupo ng transport, commuters, at mga truck hauler dahil tiyak na dagdag-pahirap na naman sa mga driver at pasahero ang dagdag-singil mula sa dating presyuhan nito.

Babala ng lahat ng transport group leaders sa TRB,  agad silang magsasampa ng Urgent Motion to resolve fare hike sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) oras na ipatupad ang nasabing dagdag-singil sa toll fees.

Magsisimula ang implementasyon ng 12% Value Added Tax sa Lunes, Agosto 1, 2011 sa buong bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply