13-anyos binoga ng 16-anyos pinsan, tigok

PATAY ang 13-anyos na lalaki nang barilin ng kanyang 16-anyos na pinsan dahil lamang sa masamang tingin ng una habang kumakain sa Sampaloc, Maynila.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si John, 2nd year high school student at residente ng 299 H. Sta. Teresita St. Sampaloc, Maynila.

Naaresto naman ng mga tauhan ni P/Supt. Jemar Modequillo, station commander ng MPD-PS 4 ang suspek na si Arden, 16.

Sa ulat ni SPO2 Benito Cabatbat, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong 6 ng gabi habang kumakain ang biktima, suspek kasama ang kani-kanilang mga kapatid.

Nabatid kay SPO4 Severino Sagum, ng MPD-PS 4, pinagagalitan umano  ng kanilang lola ang suspek nang mapatingin ang biktima sa kanya.

Nang masamin ng suspek ay tumayo ito saka  hinawakan sa ulo ang biktima bago binaril.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply