13-anyos ginahasa ng manyak na boyfriend

KALABOSO ang 18-anyos na lalaki matapos maaktuhang ginagahasa ang dalagitang kasintahan sa bayan ng Teresa, kaninang madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Michael angelo Aguilar, ng Blk. 14, Lot 19, La Hacienda Subd., Brgy. Bagumbayan, nasabing bayan.

Nasa pag-iingat naman ng Department of Social Welfare and Development ang biktima na itinago sa pangalang “Dianne” residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang panghahalay dakong 2:00 ng madaling-araw sa kuwarto ng biktima kung saan ito natutulog na mag-isa nang pasukin ng suspek.

Nabatid na tinakpan ang bibig ng dalagita bago tinutukan ng patalim saka matagumpay na  ginahasa ang biktima.

Narinig naman ng lolo ng biktima ang pag-iyak ng biktima at nakita pa nito ang papatakas na suspek kung kaya kanyang hinabol at nagpambuno ang dalawa subalit dahil sa bata at malakas ay nagawa nitong makatakas sa matanda.

Agad namang humingi ng tulong sa mga kagawad ng barangay ang ina ng biktima na humuli sa suspek at saka dinala sa himpilan ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply